
by Ben Contreras
Sa mga nagdaang walong dekada kung kailan nagtatapos ang pangalawang pangdaigdigang digmaan, ang Estados Unidos ay siyang tinitingala ng buong mundo na siyang pinakamakapangyarihan sa lahat, hindi lang sa aspeto ng ekonomeya kundi pati na ang kanilag armadong lakas. Dahil niyan, walang sinumang bayan saan mang sulok ng mundo ang hindi sumusunod sa kanyang kagustuhan maliban sa iilang tradisyonal na kaaway.
Kasunod niyan ay ang pagbibigay ng araw ng kalayaan noong July 4, 1946, kalayaang mayroon pa ring malalim na impluwensya ng neo-colonialism ng Estados Unidos. Ito ay makikita sa nagbubuklod ng sandatahang kasunduan, hindi patas na pang-ekonomiyang pangkaunawaan at pampulitikang panghihimasok na humuhubog sa soberenya ng republika.
Parang kailan lang, ang Pilipinas ay pangalawa sa Asya, kasunod lang ng bansang Hapon sa ekonomiya. Ngunit ngayon, naging kulilat ang Pilipinas at pumapalo sa pinakabuntot ng mga bansa sa Asya. Saan ba tayo nagkamali?
Nagkamali ba tayo sa pagpili ng bansang kaalyado?
Ang demokrasya na umiiral ba ay nakakatulong sa pangkalahatang sistema ng ating bayan?
Ang demokrasyang halintulad ng Amerika ba ay naaangkop sa ating paninindigan at kultura? O di kaya na ang demokrasya na gaya ng sa Amerika ay naging saklaw sa ating pag-asenso, naging kadena na gumagapos sa ating kalayaan.
Tanungin natin ang ating sarili. Bakit tayo naiiwanan ng ating kapitbayan na kung kailan lang ay dumaan ng matinding digmaan kontra Amerika?
Matapos ang pangalawang pangdaigdigang digmaan, dapat naging isang bayan na tayong puno ng sarisaring industriya katulad ng bansang Hapon.
Malamang ayaw ng Amerika na tayo ay magkaroon ng maraming industriya, ayaw nilang tayo ay maging matatag na bansa na mayrong malakas na ekonomiya upang manatili ang kanilang implwensya sa larangan ng ekonomiya at militar.
Ang pagiging matatag at malayang bansa ay nakasalalay sa ating lahat, ang taong bayan. Mayroon ba tayong pagmamahal sa bayan,
Ang mapait na katotohanan ay nakikita sa ating ugali at pagpapabaya. Hinayaan nating mapapasakamay ng iilang pamilya ang yaman ng bayan, ipinaubaya natin sa ating mga pulitiko and kinabukasan ng ating inang bayan, mga pulitikong nagnakaw sa kaban ng bayan, nagnakaw sa kinabukasan ng ating mga anak at patuloy na namamahala sa ating gobierno.
Ang bulok na sistema ng gobierno hindi lang nangyayari sa itaas kundi pati na sa ibaba, sa mga ahensya kung saan ang kanilang pirma ay may katumbas na bayad.
Ang mga pulitiko natin ngayon ay nagmamay-ari ng libo-libong ektarya na mga lupain na binibili ng nakaw na pera. Sila ang may monopoliya sa mga malalaking negosya na kinakailangan ng mga ordinaryong mamamayan.
Hindi nyo alam? Bakit ayaw nyong imbistigahan. Dahil hindi puede ang mga magnanakaw mag-imbestiga. Kitang kita naman iyan sa impeachment ng bise presidente kung saan ang mga magnanakaw daw ay naging imbestigador na.
Kaya, mga kababayan, saan ba tayo pupunta? Saan ba ang patutungohan natin?
Sa mga hindi magandang pangyayari na umiiral ngayon, sa kamahalan ng bilihin at hirap na kumita at sa walang maayos na pamumuhay ng ating mga kababayan, ibinibenta pa tayo sa Amerikano na gusto guluhin ang buong mundo, na gustong gawing bala ng kanyong ang Pilipino sa kanilang alitan sa China.
Payag ba tayo na ganito na lang? Payag ba ang Pilipino na magpakamatay para sa Estados Unido?
Nasa kamay na natin ang lahat. Simple lang ang tanong. Kailan tayo tatayo sa ating sariling paa?
Mabuhay ang Pilipino.
Mabuhay ang Pilipinas.
Email: contact@asiancenturyph.com
Facebook: https://www.facebook.com/asiancenturyph/
Twitter: https://twitter.com/AsianCenturyPH
Substack:
Also read:







Leave a Reply