Labanan Ang Pakana Ng Amerika Na Gawing Ukraine Ang Pilipinas

 

Niย Mauro Gia Samonte

 

Taliwas sa popular na pagkaalam, ang giyera sa Ukraine ay di nagsimula noong Pebrero 24, 2023 kundi noon pang 2014 nang muling ipaloob ang Crimea sa dati nitong kalagayan sa Pederasyon ng Russia. Ibinunyag ito ni Lt. Gen.  James Bierman, commanding general US armed forcesโ€™ Third Marine Expeditionary Force (IIIMEF), sa isang interview sa Financial Times: (Isinatagalog mula sa orihinal na English) โ€œBakit natin natamo ang antas ng tagumpay sa Ukraine. Malaking bahagi niyan ay dulot ng makaraan ang agresyong Russo noong 2014 at 2015, buong sinop nating pinaghandaan ang darating na labanan: pagsasanay ng mga Ukrainians, maagang pagpoposisyon ng mga supply, at pagtukoy sa mga pook na pagmumulan ng mga suporta sa mga operasyon.โ€

Dito lumiliwanag kung ano ang tunay na kaugnayan ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sa kabuuang istratehiya ng Amerika na panatiliin ang kanyang nag-iisang hegemoniya sa daigdig.

2014 nang muling pumaloob ang Crimea sa Russia. 

2014 nang magsimulang planuhin ng Amerika ang giyera sa Ukraine.

2014 nang likhain ng Amerika ang kasunduang EDCA sa Pilipinas na nagbibigay sa kanya ng limang โ€œpinagkasunduang lokasyonโ€ sa loob ng mga base militar ng Hukbong Sandatahang Lakas ng Pilipinas na pagdedeployan ng mga Amerikanong tropaโ€™t kagamitan sa pakikipagdigma.

Maitatanong, bakit kailangan pa ang EDCA ganung naroroon na ang Mutual Defense Treaty (MDT) na pinagkasunduan na ng Pilipinas at Amerika noon pang 1951?

Ang buhay ng MDT ay sa panahon lamang ng giyera, gaya ng probisyon nito sa Artikulo IV na nagsasaad: โ€œ(Isinatagalog mula sa English) Ang bawat Partido ay kumikilala na ang armadong atake sa larangan sa Pacifico sa alinman sa kanila ay magiging mapanganib sa kanyang sariling kapayapaan at kaligtasan at nagpapahayag na kikilos upang harapin ang panganib sa kapwa nang ayon sa kanyang mga kaparaanang konstitusyunal.โ€

Subalit sa giyera ay kailangan ang masinop na paghahanda. Katulad ng Balikatan exercises sa ilalim ng Visiting Forces Agreement (VFA) na nagkabisa noong 1998 na bagamaโ€™t may paimbabaw na layuning socio-sibiko para sa  mga sundalong Amerikano at Pilipino, sa kaduluduluhan, ang bunga  ng kanilang mga  ehersisyo ay kahandaan pa rin sa giyera.

Sa kaso ng EDCA, ito ang pag-amin ng Amerikanong heneral na nabanggit sa unahan,  โ€œ(Isinatagalog mula sa English) Bilang bahagi ng gayong mga paghahanda, plano ng Pilipinas na payagan ang mga puwersa ng US na makapagposisyon nang maaga ng mga sandata at iba pang mga suplay sa lima pang base dagdag sa limang nauna nang mapasok ng US.โ€ Sa pagplano pa lamang sa giyera sa Ukraine, humirit na ang Amerika ng limang base militar sa Pilipinas:  Basa Air Base sa Pampanga, Fort Magsaysay sa Nueva Ecija, Lumbia Air Base sa Cagayan de Oro, Antonio Bautista Air Base sa Palawan at Benito Ebuen Air Base sa Mactan, Cebu.

At sumalakay na nga ang Russia sa Ukraine noong Pebrero 24, 2022.

Punahin na sa panahon ding ito di magkandaugaga ang Amerika sa pagyaoโ€™t pagparito sa Pilipinas na humihingi ng karagdagan pang limang base militar na pagdedeployan ng mga tauhan at mga kagamitang pandigma. Simula sa mabilisang pagdaan ni US House Speaker Nancy Pelosi Agosto 2022 papunta sa kanyang patagong pagdalaw sa Taipei, sumunod ang pagdalaw naman ni US Vice President Kamala Harris sa Palawan noong November 2022, at sa  kahuli-hulihan ay ang pagbisita na ni US Defense Secretary Lloyd Austin na nagbunga na nga ng pag-apruba ni Pangulong Ferdinand โ€œBongbongโ€ Marcos Jr. ng karagdagang apat pang โ€œpinagkasunduang lokasyonโ€ sa  loob ng base militar ng Pilipinas. Ewan kung anong klaseng hilot ang ginawa ng Amerika upang si Bongbong ay pumayag na magbigay ng apat pa na direkta na ngang nakaumang sa China. Subalit, sa anuโ€™t-anuman, iyun ang inasahan ng Amerika, ayon sa pahayag na ito ng heneral na nabanggit sa unahan, โ€œ(Isinatagalog mula sa English) โ€œBilang bahagi ng ganung mga paghahanda, plano ng Pilipinas na payagan ang mga pwersa ng US na maagang makapagposisyon ng mga sandata at iba pang mga suplay sa lima pang base dagdag sa limang nauna nang mapasok ng US.โ€

Ang mga pag-iingay ngayon laban sa China kaugnay ng tension sa South China Sea ay pawang sa udyok ng Amerika. Hindi talagang layon ng mga ito na ipagtanggol diumano ang Pilipinas dahil walang anumang pananalakay sa soberiniya ng bansa ang nagaganap. Ang di-umanoโ€™y pambubuli ng China sa mga mangingisdaโ€™t coast guard na Pilipino ay pawang mga propaganda lamang ng Amerika na desperado nang isangkot ang China sa pandaigdigang gulo. At ang tensyon sa South China Sea ay mabisang titis na magpapasiklab sa digmaan ng Tsina at Pilipinas. Oras na mangyari ito, sa ilalim ng MDT, pasok na sa giyera ang Amerika.

Dito na umalma ang China.  Kung papaanong dahil sa wala nang maurungan pa sa pananalakab ng US-NATO ay napilitan nang unahan ito ng Russia sa Ukraine, ganun din mapipilitang mauna nang bumanat ang China dito sa Pilipinas bunga ng tuminding pananalakab naman sa kanya ng Amerika   sa pamamagitan ng mga EDCA base militar. Kung ito ang magaganap, wasak ang Pilipinas.

Kalabisan nang sabihin pang hindi lamang ito malungkot kundi ubod pang kasuklamsuklam na pahirap sa bansang Pilipino.  Hikahos na ngaโ€™t bago-bago pa lamang na nakaaahon sa pananalanta ng Covid-19, hetoโ€™t walang kamalay-malay ka na palang isinubo mismong ng iyong Pangulo sa kahalintulad ng perdisyong kinasadlakan  ng mga mamamayan ng Ukraine. Humihingi ng solido,  pursigidoโ€™t malawakang pagkilos ng sambayanan upang labanan ang imbing pakana ng Amerika na ang Pilipinas ay gawing teatro ng kanyang proxy war laban sa China.

Samakatwid, kami na ang tanging buhay at yaman ay ang marubdob na pagmamahal sa bayan, ay mula sa araw na ito namamanata na uubusin ang bawat aming lakas at kakayahan sa paggamit ng anomang mga kaparaanang kakailanganin upang iiwas sa gulo ang bayan at ang Pilipinas ay manatili sa daan ng mapayapaโ€™t tahimik, maligayaโ€™t maunlad, at tunay na makatarungang lipunan.

Labanan ang pakikialam militar ng Amerika sa Pilipinas!

Pawalang bisa ang MDT!

Pawalang bisa ang VFA!

Pawalang bisa ang EDCA!

Mabuhay ang Pilipinas!

Kapayapaan sa bawat may mabuting kalooban!

 

Leave a Reply

Trending

%d bloggers like this: