Kathang-isip na “West Philippine Sea”: Punot-dulo ng Patintero Laban Tsina

 

Ni Adolfo Quizon Paglinawan

 

Last of Three Parts: Poking the Bear or Chasing the Dragon?                                              

Bungsod sa mga panibagong kaguluhan sa resupply mission natin sa Ayungin Shoal, marahas na iminungkahi ng ating defense minister,”Kung ang China ay hindi natatakot na ipahayag ang mga claim nito sa mundo, bakit hindi tayo mag-arbitrate sa ilalim ng batas internasyonal?”

Siyempre naman, wala ni isang reporter ang nagtanong pa, dahil pawang walang alam at tamad namang mag-research ang mga ito.

Gibo Teodoro

https://drive.google.com/file/d/1PKBH9xOKRS-Q1JmEntc4mwly_f7fwkgf/view

Walang kamuangmuang si Defense Secretary Gilbert Teodoro sa kabobohan ng kanyang sinabi. Ang nakapagtataka ay hindi lamang basta-bastang abogado si Secretary Teodoro. Topnotcher siya sa 1989 Philippine Bar Examinations na may 86.18% bar rating, at nakamit siya ang kanyang Master of Laws degree mula sa Harvard Law School, at Doctor of Law sa West Negros University.

Arbitrasyon na naman? Alam mo sir, hindi na kailangan ito. Nagawa na ito.

Sa kabila ng hindi paglahok ng China sa Arbitrasyon na pinroseso ng Pilipinas gamit ang Permanent Court of Arbitration mula Enero 2013 hanggang Hulyo 2016, tinalakay na ang usaping ito ng Tribunal na pinatawag natin sa ilalim ng United Nations Convention of the Law of the Sea o UNCLOS.

Bukod rito mayroon na ring jurisprudence ang ating Korte Suprema kung saan ito’y nabigyan ng kaukulang paglilinaw.

WPS: Punot-dulo ng gulo

Ang problemang namana ni Teodoro, ay nagsimula sa presidency ni Noynoy Aquino nang pinagmistulan niyang  “idiot” ang mga Filipino, sa kanyang pagbibigay ng gawa-gawang pangalang “West Philippine Sea” ang bahagi ng South China Sea sa kanluran ng Pilipinas na sakop ng Tsina.

Sa aking pakikipagusap sa isang dating commandant ng Philippine Coast Guard, marami ang nalilito sapagkat ang kathang-isip na yan ay pinagawan pa nya ng drawing o mapa alinsunopd sa kanyang Administrative Order No. 29.

Anya ng Admiral, ang pangalang “West Philippine Sea ay hindi nakarehistro sa UN system. Nanatiling “unofficial” ang mapa nito dahil hindi ito maisumite ng ating National Mapping and Resource Information Authority o NAMRIA sa Internationa Hydrogaphic Association dahil wala itong “enabling act”.

Ang administrative order ay hindi batas. Wala pong batas ng Pilipinas at wala po itong autoridad sa batas-international ang pangalang iyan.

Ang sangguni AO No. 29 sa Republic Act 9522 ay walang katuturan, dahil ito ay nagtalaga lamang ng batayang guhit (baselines) sa ating land territory at internal waters, alinsunod sa United Nations Convention on the Law of the Sea para makakamit tayo ng 200 nautical miles ng exclusive economic zone (EEZ).

Sangayon sa UNCLOS at sa ating Korte Suprema, ang EEZ ay hindi nagbibigay ng sovereignty at teritoryo, kundi “sovereign rights” na karapatan lamang na may limitasyon.

Sa desisyong GR No. 187167, hinimay at kinilala ng ating Korte Suprema ang pagkakaiba, sa isang dako, ng paghihiwalay o demarcation ng ating mga zona sa karagatan sa ilalim ng UNCLOS, at sa kabilang dako ang pagtatalaga at resolusyon kung ano ang ating teritoryo.

Ito ang malaking sekretong tinatago ng mga traydor politiko at mga elemento ng ating gobierno na mga tuta ng mga banyagang interes.  

Ayon sa GR No. 187167, “UNCLOS and its ancillary baselines laws play no role in the acquisition, enlargement or … diminution of territory.”

Filipino translation: Ang UNCLOS at ang mga pantulong na batas ng baselines nito ay walang papel sa pagkuha, pagpapalaki o pagbabawas ng teritoryo.

“Under traditional international law typology, States acquire (or conversely, lose) territory through occupation, accretion, cession and prescription, not by executing multilateral treaties on the regulations of sea-use rights or enacting statutes to comply with the treaty’s terms to delimit maritime zones and continental shelves.”

Filipino translation: Sa ilalim ng tipolohiya ng tradisyunal batas-internationaL ang mga Estado (o bansa) ay nakakakuha (o sa kabaligtaran, ay nawawalan) ng teritoryo sa pamamagitan ng pananakop, pagdaragdag, kompromiso at atas, hindi sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga multilateral na kasunduan sa mga regulasyon ng mga karapatan sa paggamit ng dagat o pagsasabatas ng mga batas upang sumunod sa mga tuntunin ng kasunduan upang limitahan ang mga maritime zone at continental shelves.

“Territorial claims to land features are outside UNCLOS, and are instead governed by the rules on general international law. The last paragraph of the preamble of UNCLOS states that ‘matters not regulated by this Convention continue to be governed by the rules and principles of general international law’.”

Filipino translation: Ang mga teritoryal na pag-angkin sa mga tampok ng lupa ay nasa labas ng UNCLOS, at sa halip ay pinamamahalaan ng mga patakaran sa pangkalahatang batas-internasyonal. Ang huling talata ng preamble o panimulang pahayag ng UNCLOS ay nagsasaad na “ang mga bagay na hindi saklaw ng regulasyon ng Convention na ito ay patuloy na pinamamahalaan ng mga patakaran at prinsipyo ng pangkalahatang internasyonal na batas.”

Nine-dash line

Naragdagan pa ang abaracadabra ng “West Philippine Sea” nang lumabas ang Arbitral Award noong 2016, dahil inilungsad ng Stratbase-Albert del Rosario Institute (ADRI) ang propaganda na isang malaking “tagumpay” sa Pilipinas ang desisyon nitong nagpawalang bisa ang nine-dash line diumano ng China.

Lumipas ang pitong taong bolahan, pero nang mawala ang usok, ay lumabas ang mga katotohanan na ang gusali ng buong argumentong ay tumuntong sa isang marupok na pundasyon.

Una, kilatisin nating maige ang letra ng Arbitral Award.

Aniya sa Paragraph 278, “…the maritime areas of the South China Sea encompassed by the relevant part of the ‘nine-dash line’ are contrary to the Convention and without lawful effect to the extent that they exceed the geographic and substantive limits of China’s maritime entitlements under the Convention.”

 Isalin natin sa ating Wikang Pambansa,”… ang mga lugar na pandagat ng Katimugang Karagatan na sakop ng kaukulang bahagi ng ‘nine dash line’ ay salungat sa Kumbensiyon at walang bisa sa batas sa lawak na lumampas ito sa heograpikal at substantibong limitasyon ng mga karapatang pandagat ng Tsina sa ilalim ng Kumbensyon.”

Ang sinasabi nito ay salungat ito sa UNCLOS.

Subalit ang UNCLOS ay isa lamang tratado o treaty sa loob ng batas-international. Hindi ito ang kabuuan ng batas-international.

Alam po ba ninyo kung ilang tratado meron sa kasaysayan ng mundo? Sangayon sa Proceedings ng National Academy of Sciences ng Estados Unidos ng Amerika, higit sa “250,000 international  treaties” na naglalayong mapaunlad ang pandaigdigang kooperasyon.

Walang sinasabi ang UNCLOS kundi kung gusto mong gawing lehitimo ang nine-dash line ng Tsina, kailangan mong tumingin sa ibang lugar dahil hindi ito magagawa ng UNCLOS.

Historic Rights

Sa totoo lang, hindi kailanman inangkin ng Tsina ang nine dash line bilang batayan ng ng kanyang soberanya. Sapul at sapol, binibigyang diin ng Tsina na ang pagaari nito nito ay naukit sa pamamagitan hindi ng mapang kung saan ay naka drawing ang nine-dash line, kundi nang makasaysayang karapatan o “historic rights”.

Ang Arbitral Award ay mismong sinangayunan ito sa Paragraph 272 na nagsasabi – “Sa partikular, binibigyang diin ng Tribunal na walang anumang bagay sa Award na ito ay dapat maunawaan na nagkomento sa anumang paraan sa makasaysayang pag angkin ng Tsina sa mga isla ng South China Sea.”

Ipinaliwanag ito ni Carlyle Thayer, eksperto sa geopolitics at propesor na emeritus ng New South Wales Defense Academy ng Australia. Anya “Ang Tsina ang unang nagtuklas, nagpangalan, sumakop at nangangasiwa sa lahat ng mga tampok ng lupa ng South China Seas.”

Kinukumpleto ng tagapagsalita ng Tsina na si Mao Ning ang larawan, “Ang soberanya, karapatan at interes ng Tsina sa South China Sea ay naitatag at matibay na nakabatay sa mahabang takbo ng kasaysayan at batas, na sumusunod sa UN Charter at batas-internasyonal, kabilang ang UNCLOS.”

Ang pinakahuling pagpapatibay ng batas o statutory construction ng mga makasaysayang katotohanang at taloas na legalidad ay nagsisimula sa Unang Digmaang Tsino-Hapones ng Hulyo 1894 at ang Treaty of Shimonoseki ng 1895 na nalutas ito, ang pagsiklab ng Ikalawang Digmaang Tsino-Hapones at ang paglahok ng Tsina sa Allied Forces sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig, na dumaloy sa Cairo Conference ng 1943 na nadiklara na “isasauli ng Bansang Hapon sa Tsina ang lahat ng teritoryo na ninakaw nito sa mga Tsino.” 

Inulit pa at pinalakas ng Potsdam Declaration ng 1945 ang pakay at pangakong ito, natalakay ngunit hindi nakumpleto sa Treaty of San Francisco ng 1951 pero nabuong maganap saTreaty of Taipei ng 1952, hanggang manahin ang mga kinaukulang intereses ng Peoples Republic of China sa bisa ng United Nations One China Resolution 2758, na napanday sa pagkilala ng Pilipinas sa isang Joint Communique  noong 1975.

Bukod rito, hindi tinatwa ng Arbitral Award ang mga karapatan ng China sa ilalim ng UNCLOS, aniya – “Hindi rin ang desisyon ng Tribunal na ang pag angkin ng makasaysayang karapatan sa mga mapagkukunan ng pamumuhay at di pamumuhay ay hindi tugma sa limitasyon ng Convention sa kakayahan ng China na mag-angkin ng mga maritime zone alinsunod sa Convention, batay sa naturang mga isla.”

Samakatwid, ano pa Secretary Teodoro ang dapat na dalhin sa arbitration dito?

Sovereignty vs sovereignty rights

Sinabi mo pa, “Sila (ang mga Intsik) ang pumasok sa teritoryo natin.”

Alam nyo ba mga KaBansa, na walang “official map” ang bansang Pilipinas pero sinusubo na tayo ni Gibo sa isang patintero na maaring lumaganap sa isang digmaan, ganoong walang batayan ang ating mga sundalo sa lokasyon o ang eksaktong geographical coordinates, yoon pong latitudes at longitudes na ipaglalaban nila?

Aba e hindi po uubra sa gera yang mapa na maaring makuha sa National Book Store. Lalo tayong pagtatawanan ng mundo nyan.

Yang drawing na “West Philippine Sea” ay base sa ating EEZ. Pero ang EEZ ay iba sa teritoryo (territory) o teritoryal na karagatan (territorial sea).

Ang ating territorial sea ay may maximum na lapad na 12 nautical miles mula sa ating coastal baselines. Base ito sa kabuoang batas international at UNCLOS. Kaloob nito ang soberanya, pagmamay-ari at buong hurisdiksyon sa kung ano ang nasa ilalim ng tubig, sa ibabaw ng tubig at ang “airspace” sa itaas nito.

Sa kabilang banda, ang hurisdiksyon ng coastal state sa loob ng EEZ ay nauukol lamang sa mga benepisyo sa ekonomiya mula ng likas na yaman (isda, offshore oil, at gas) sa ilalim ng tubig, ngunit hindi sa ibabaw ng tubig at ang “airspace” sa itaas nito.

Samakatuwid, walang soberanya at pagmamay-ari ang Pilipinas sa EEZ nito.

Ayungin Shoal

Atsa partikular na kaso ng Ayungin Shoal, nalaman natin na hindi automatic at absoluto ang EEZ application kahit na ito ay nasa loob ng 200 nautical miles mula sa baybayin ng Palawan.

Mister Teodoro, na-arbitrate na rin ito. Huwag kang bibitaw. Meron pang susunod.

Bilang tugon sa mga isinumite ng Pilipinas sa arbitrasyon na iprinoceso sa ilalim ng UNCLOS, ipinahayag ng Award sa Paragraph 1161 na ang usaping ito ay hindi sakop ng “jurisdiction” ng Tribunal sa kadahilanan na sa Paragraph 1162 ay inuri nito ang Ayungin at kapaligiran nito na “quintessentially a militarized situation”.

Mismong dating mahistradong Antonio Carpio, na “ponete” ng GR No. 187167, ang kamakailan lamang matapos ang pitong taon ay nagbago ang tanaw sa Ayungin Shoal. Sa isang forum sa Manila Hotel, nagpahayag sya sa maistream media. “Resupply mission to BRP Sierra Madre constitute military activity and thus outside the scope of UNCLOS and compulsory arbitration. So for the country to lodge complaints against harassment by China before the UN, the Philippinbes should now… shift to civilian activity so we can go back to the Arbitral Tribunal.”

Filipino translation: Ang mga rwesupply missions sa BRP Sierra Madre ay mga aktidades na military and ito ay labas sa saklaw ng UNCLOS at sapilitang arbitrasyon. Kaya para makapag sampa ng reklamo sa UN ang Pilipinas ay nararapat na lumipat sa kaugaliang sibilyan bago tayo bumalik sa Arbitral Tribunal.

Sa naturang lugar na yan, saan tayo dumudukot Si Marcos ng katuwirang hindi “poking the bear o chasing the dragon” ang basta-basta na lang na hindi pakikipag-coordinasyon sa coast guard ng Tsino, laban sa protocol na sinangayunan ni Noynoy Aquino mula pa noong former defense secretary si Voltaire Gazmin at itinuloy ni Rodrigo Duterte?

Aba e, isang kolokoy dyan sa National Security Council ang nagyayabang, “Bakit tayo hihingi ng permisong pumasok dito samantalang ‘Atin Ito’?”

Sinabi na nga ni Duterte na ang China ang may hawak ng teritoryo. Hindi lamang ang mga Chinese de facto ang nago-okupa sa Ayungin, at nagsasagawa pa sila ng epektibong kontrol at pagkilos doon. Kaya bukod sa mga makasaysayang Karapatan (historic rights), nakamit nila ang soberanya sa dyan naa-ayon sa “customary” international law o kaugaliang batas-internasyonal.

Ang kilos ng Pilipinas dyan ay paghahanap ng basag-ulo. Ang aksyon ng Tsina sa Ayungin Shoal ay hindi lamang sa proteksyon ng kanilang angking teritoryo kundi pagpapatupad ng batas o “law enforcement”.

Ang paggamit ng water cannon ay isang law enforcement “tool” naka-ilalim sa batas-international segun sa kasangkapang “non-lethal” (NLW) o “less-lethal” ayon sa UN General Assembly Resolution 45/166, adopted without a vote on 14 December 1990.

Nagulat nga ako na isang Jay Batongbacal na executive associate dean daw ng University of the Philippines College of Law and director ng Institute for Maritime Affairs & Law of the Sea, ang gumawa ng isang proposal na uriin ang water cannon na “armed attack” sa pag-“invoke” ng Mutual Defense Treaty ng Pilipinas at Estados Unidos.

Jay Batongbacal

https://drive.google.com/file/d/12vQahzmBgZwteL47M620JYrBLpDZdSKq/view

Bitin ang opinyon ni Batongbacal dahil wala pang atas sa kanya ang mga Amerikano.

Imbis itigil ang panunukso at panggagatong sa karagatan sa pamamagitan ng pagkuha ng kooperasyon sa mga Tsino, walang kararatingan ng ideya ni Batongbacal na ito kundi itulak nang tuluyan sa gera ang tension sa South China Sea.

Kung merong similaridad itong si Teodoro at Batongbacal ay pareho silang nagtapos ng “law” sa UP. Kung ganito ang umiiral na katinuan sa unibersidad ng ating mga escolar ng bayan, at hindi kapayapaan, hindi ako magtataka na darating ang panahon na ipagbabawal na rin ang paggamit ng interior ng gulong ng kotse sa paggawa ng tirador para sa pagpitas ng manga mula sa mataas na puno nito.

Nakakatakot ang lagay natin ngayon dahil sa mga tanga at mangmang, lalong lalo na sa mga utak-pulbura, na nagpapatakbo ng ating gobierno.

Ito po ang inyong lingkod, ang Maestro at inyong Kabansa, Ado Paglinawan, na nagpapaalam na, at magkita-kita uli tayo dito aking YouTube channel @adopaglinawan. Maraming salamat po.

 

Adolfo Quizon Paglinawan

is former diplomat who served as press attaché and spokesman of the Philippine Embassy in Washington DC and the Philippines’ Permanent Mission to the United Nations in New York from April 1986 to 1993. Presently, he is vice-president for international affairs of the Asian Century Philippines Institute, a geopolitical analyst, author of books, columnist, a print and broadcast journalist, and a hobby-organic-farmer.

His best sellers, A Problem for Every Solution (2015), a characterization of factors affecting Philippine-China relations, and No Vaccine for a Virus called Racism (2020) a survey of international news attempting to tracing its origins, earned for him an international laureate in the Awards for the Promotion of Philippine-China Understanding in 2021. His third book, The Poverty of Power is now available – a historiography of controversial issues of spanning 36 years leading to the Demise of the Edsa Revolution and the Forthcoming Rise of a Philippine Phoenix.

Today he is anchor for many YouTube Channels, namely Ang Maestro Lectures @Katipunan Channel (Saturdays), Unfinished Revolution (Sundays) and Opinyon Online (Wednesdays) with Ka Mentong Laurel, and Ipa-Rush Kay Paras with former Secretary Jacinto Paras (Tuesdays and Thursdays). His personal vlog is @AdoPaglinawan.

(adolfopaglinawan@yahoo.com)

SALE SALE SALE! This Holiday season up to February 2026, gift your family with any of these books for P799 per copy, or P2,200 for a bundle of 3. Please text 0917-336-4366 for ordering instructions. This promo includes free delivery by JRS anywhere in the Philippines.
 

Email: contact@asiancenturyph.com

Facebook: https://www.facebook.com/asiancenturyph/

Twitter: https://twitter.com/AsianCenturyPH

Substack:

Also read:

READ: Executive Intelligence Review (EIR) is a weekly newsmagazine founded in 1974 by the American political activist Lyndon LaRouche

Trending

Discover more from Asian Century Journal

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading